Influential flyer article: Ang kahalagahan ng karapatang pantao tungo sa pagkakaiba-iba ng uri, lahi, kasarian, at sekswalidad ay dapat pahalagahan
April 28, 2023
Ang kwentong “Anne With An E” o kilala rin sa pamagat na “Si Anne ng Green Gables” ay isang istoryang tungkol sa isang babae na ulila ngunit nagkaroon ng magandang kinabukasan matapos makilala ang dalawang magkabiyak na magbabago ng kanyang buhay, sa pamamagitan ng pagtrato sa kanya ng tama isa na dito ang pagbibigay sa kanya ng pagkakataong makapag aral. Makikita sa kwentong ito ang ilan sa mga panlipunang isyu gaya ng diskriminasyon na nag uugat papunta sa hindi pag trato o hindi maayos na pakikitungo dahil nga sa may kakaibang taglay ang tao, halimbawa na dito ang kulay, relihiyon, lahi, pagiging ulila at marami pang iba. Habang sa kwentong “Anne With An E” naman, siya ay pinag diskitahan o nakatanggap ng diskriminasyon galing sa kanyang kaklase na si Gilbert dahil nga sa siya ay inampon lamang dagdag na dito ang kanyang kulay pulang buhok. Dito pa lamang ay makikita na natin ng maigi na hindi naging madali para kay Anne ang buhay na kanyang tinatahak.
Sa nakasaad na panitikan ay makikita dito ang isyung tungkol sa diskriminasyon. Upang magbigay alam sa lahat ay ating linawin, ano nga ba ang diskriminasyon? Ang diskriminasyon ay ang paghusga sa iyong kapwa base sa kanyang anyo at itsura, ito ay hindi maiiwasan at madalas makikita kung saan saan. Ito ay nangyayari kung saan ang isang tao ay hindi nakakatanggap ng maayos na pagtrato o hindi pagkakaroon ng pagkakapantay pantay na trato gaya ng iba. Ano nga ba ang nangyayari sa mga taong nakaka tanggap ng ganitong pambabatikos? Habang ang iba ay pinapabayaan ang ganitong uri ng tao, mayroon rin ilan na hindi sapat ang sikmura upang tiisin ang ganitong uri ng pangungutya laban sa kanila. May mga taong nagkaroon ng mental disorder, negatibong pag iisip, anxiety at ang malala sa lahat ay ang mga taong pinipiling kitilin ang kanilang sariling buhay matapos lang ang kanilang paghihirap na nararanasan.
May mali nga ba sa kanila? Ang sagot lamang dyan ay mga mata natin ang may mali. Unang una sa lahat ay hindi nila ginustong ipanganak ng may kapansanan o magkaroon ng buhay na hindi kanais nais, tanging gusto lamang nila ay magkaroon ng maganda at payapang buhay gaya ng isang normal na tao. Dapat ay baguhin at ayusin natin ang pag tingin sa ating kapwa sapagkat tayo ay nilikhang pantay pantay ng panginoon.
Nakakalungkot isipin na karamihan sa atin ay hindi naiintindihan kung gaano kasaklap ang ganitong uri ng isyu, bilang isang mamamayang pilipino ay inaanyayahan ko kayong ipalaganap ang wastong kaalaman upang matugunan natin ang pagkakaisa at pagtutulungan nang sa gayon ang diskriminasyon ay tiyak na mawakasan.
National Transaction Corporation is a Registered MSP/ISO of Elavon, Inc. Georgia [a wholly owned subsidiary of U.S. Bancorp, Minneapolis, MN]
Comments
Post a Comment